PatrolPH

ABISO: Mga isasarang kalsada sa Metro Manila, Oktubre 7-10

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2022 03:13 PM

MAYNILA - Magsasagawa ng road reblocking o pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways simula Oktubre 7 hanggang Oktubre 10. 

Apektado ang mga sumusunod na kalsada: 

  • EDSA NB, Quezon City EDSA Carousel Bus lane Santolan MRT Station, EDSA Carousel Bus lane pagkatapos ng Boni Serrano to P. Tuazon Avenue, pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang Kamuning, ika-3 lane mula sa bangketa. (intermittent section)
  • C-5 Road, Pasig City truck lane (KM 15 + 171 hanggang KM 15 +665)
  • Fairview Avenue NB, Quezon City sa pagitan ng Yakal St., and Milano Dr. (ika-2 lane mula sa bangketa)
  • Cloverleaf EDSA NB hanggang sa segment ng NLEX SB (inner lane)
  • Roosevelt Avenue malapit sa kanto ng EDSA SB 
  • Payatas Road, Quezon City malapit sa AMLAC Ville Subdivision
  • Sa bandang EDSA SB Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge, Quezon City

Madadaanan muli ang mga ruta alas-5 ng umaga ng Lunes, Oktubre 10. 

Inabisuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.