PatrolPH

Ninakaw na kampana ng simbahan natagpuan sa karatig-bayan sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2021 05:30 PM

 Kampana na ninakaw sa isang simbahan sa Marabut, Samar, natagpuang nakasilid sa sako sa gilid ng kalsada sa katabing bayan. Larawan mula kay Roy Odal Avila
Kampana na ninakaw sa isang simbahan sa Marabut, Samar, natagpuang nakasilid sa sako sa gilid ng kalsada sa katabing bayan. Larawan mula kay Roy Odal Avila

Nakasilid sa puting sako at iniwan sa gilid ng kalsada sa bayan ng Basey sa Samar ang nawawalang kampana ng simbahan ng karatig bayan nito.

Ang natagpuang kampana sa national highway sa Barangay Can-abay nitong Huwebes ng umaga ay pagmamay-ari ng Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Marabut. 

Agad na ipinagbigay-alam ng mga opisyal ng barangay sa awtoridad ang pagkakadiskubre sa kampana.

Napag-alaman na ninakaw ang kampana noong Oktubre 4 ng madaling araw.

Ang naturang kampana ay 126 taon na umano ang tanda matapos na makita ang nakaukit dito na taong 1895.

Naibalik na sa simbahan ang kampana na posible umanong iniwan ng mga kawatan sa kalsada dahil na rin sa bigat nito.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw sa kampana. 

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.