PatrolPH

Batanes nagtala ng ika-3 pagkamatay dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2021 12:39 AM | Updated as of Oct 07 2021 12:52 PM

Isang pasyente na kritikal sa COVID-19 sa Batanes ang inisakay sa eroplano para ilipat sa isang ospital sa Cagayan. Larawan ni Dr. Glenn Mathew Baggao
Isang pasyente na kritikal sa COVID-19 sa Batanes ang inisakay sa eroplano para ilipat sa isang ospital sa Cagayan. Larawan ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Nagtala ng ika-3 pagkamatay dahil sa COVID-19 ang Batanes kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng naturang sakit sa lalawigan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan Miyerkoles, isang lalaki, 56, mula San Antonio sa bayan ng Basco ang namatay ng acute respiratory failure secondary to pneumonia at COVID-19 noong Oktubre 2. 

Umabot na sa 574 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Batanes matapos makapagtala ng 68 bagong kaso Miyerkules. Sa lahat ng bayan, pinakamarami pa rin ang Basco sa aktibong kaso na umaabot sa 379. 

May 4 na COVID patient sa Batanes General Hospital na inilipat sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para sa kanilang gamutan. 

Ayon kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, nasa severe to critical condition ang mga pasyente na nasa intensive care unit. 

Kasalakuyang nasa modified enhanced community quarantine ang Batanes na sumailalim sa 15 araw na ECQ, simula Setyembre 20 at natapos noong Lunes, Oktubre 4. 

Patuloy ang pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang nasira ang bahay sa pananalasa naman ng bagyong Kiko. 

Nasa ilalim pa rin ng state of calamity ang probinsya dahil sa epekto ng bagyo. 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

-Ulat ni Harris Julio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.