PatrolPH

Sariling helmet na: Angkas may bagong patakaran sakaling magbalik-pasada

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 07:11 PM

MAYNILA — Umaasa ang motorcycle taxi na Angkas na makakabalik na sila sa lansangan sa lalong madaling panahon kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Inendorso na kasi ng IATF sa House committee on transportation ang request ng mga local chief executives ng Metro Manila na ituloy ang pilot study ng motorcycle taxis habang nakabinbin pa ang batas para sa ganitong uri ng transportasyon.

Sabi sa TeleRadyo ni George Royeca, chief transport advocate ng Angkas, ikinatuwa nila ang rekomendasyon at umaasa sa positibong tugon ng komite.

Oras na magbalik-operasyon, isa-swab test ang nasa 30,000 rider ng Angkas.

Asahan din aniyang magiging cashless na ang bayad, magkakaroon na ng barrier, at kailangan na ng mga pasaherong magdala ng sariling helmet.    

'[W]ala pong sharing ng helmet, so 'yung taumbayan or 'yung mga pasahero dapat meron po siyang sariling helmet... Number 1 po talaga ngayon is safety. So we wanna be able po to minimize points of transmission," sabi ni Royeca.

Isa ang industriya ng transportasyon sa mga pinakanasapul ng pandemya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.