LGU worker, patay sa pamamaril sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 11:04 PM

Larawan mula sa Ronda Basilan

Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Brgy. Doña Ramona, Isabela City, Basilan nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi sakay sa motorsiklo ang biktima na si Musamman Amigos Hasadin, 40, nang biglang sumulpot sa tabi niya ang salarin at pinagbabaril siya.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib si Hasadin.

Dinala siya agad sa ospital pero nasawi din siya dahil sa mga natamong sugat.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen.

Nagtatrabaho bilang officer ng provincial aid administration ng Isabela ang biktima. - Ulat mula kay Queenie Casimiro

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.