Kotse nasunog sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 09:27 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nagliyab ang isang sasakyan sa Bignay Street sa Barangay Quirino, Quezon City Martes ng gabi.

Nakaparada sa tapat ng isang bahay ang sasakyan na pagmamay-ari ng isang Mark Galvez.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, iniimbestigahan na nila kung ano ang naging sanhi ng pagkasunog ng naturang sasakyan.

Wala namang nasaktan sa insidente na agad namang naapula.