Kapatid ni Arnel Pineda timbog matapos mahulihan ng shabu

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 07:09 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naaresto ang nakababatang kapatid ng rockstar na si Arnel Pineda matapos mahulihan ng shabu sa isang drug operation sa Quezon City Martes ng gabi.

Nahuli umano si Rusmon Pineda at ang kasama nitong tanod ng Barangay Sacred Heart sa naturang operasyon sa kanto ng Scout Santiago at A. Roces Avenue sa Barangay Obrero bandang alas 11 ng gabi.

Nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu na aabot ang halaga sa P136,000.

Ayon kay Police Capt. Nazarino Emia ng QCPD Station 10, may suspek silang nahuli dati na nagsabing source ng droga si Pineda.

Tumangging magkomento si Pineda sa krimen.

Sinabi ng tanod na si Pineda talaga ang nagbebenta ng droga at nakisakay lang si Pineda sa kaniyang motorsiklo.

Kulong ang dalawa sa Kamuning Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.