6 anyos na batang babae, nalunod sa dam sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 12:31 AM

Kuha ng Sto. Tomas LGU

Natagpuang patay ang isang 6-anyos na batang babae matapos itong malunod umano sa isang dam sa bayan ng Sto. Tomas, Davao del Norte nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nichole Shane Payawan.

Ayon sa mga awtoridad, naliligo ang bata sa naturang dam sa Brgy. New Visayas kasama ang kaniyang mga pinsan nang matangay ito ng malakas na daloy ng tubig.

Tuluyung nalunod si Payawan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.--Ulat ni Vina Araneta-Pilapil

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.