Pagtitinda ng second-hand cellphones ipagbabawal sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 06:02 PM | Updated as of Oct 07 2019 07:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipagbabawal na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagtitinda ng mga second-hand na cellphone.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, iniutos na niya ang pagbuo ng ordinansa.

Ginawa ng alkalde ang kautusan upang maiwasan na ang pagbebenta ng mga nakaw na cellphone sa lungsod, lalo at kadalasan ay mga estudyante umano ang mga biktima ng pagnanakaw ng cellphone.

Maaaring maipasara ang mga establisimyento na matutuklasang nagbebenta ng second-hand na cellphone, ayon kay Moreno.

Kasama sa mga sinisilip ngayon ng lokal na pamahalaan ang mga tindahan sa isang mall sa Recto na sinasabing bagsakan ng mga nakaw na cellphone.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.