Motorcycle rider na nanghablot ng cellphone timbog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 03:39 PM | Updated as of Oct 07 2019 06:57 PM

Nakuhanan ng CCTV ng Barangay 397 sa Sampaloc ang pag-snatch ng isang motorcycle rider sa cellphone ng isang estudyante.

Naaresto ang isang lalaki matapos umanong manghablot ng cellphone ng isang estudyante sa Sampaloc district, Maynila.

Nakatayo sa may Tolentino Street ang 2 college student nang bigla silang nilapitan ng nakamotorsiklong suspek at kinuha ang cellphone ng isa sa kanila, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng Barangay 397.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nahuli ang suspek matapos maabutan ng mga naghabol na biktima, at kuyugin ng ilang motorista at vendor.

Kinilala ang suspek bilang si alyas "Jun-jun," 27 anyos at taga-Quiapo.

Bukod umano sa pagtitinda ng prutas, pumapasok din bilang rider sa transport network company ang suspek.

Narekober sa suspek ang kinuhang cellphone.

Kakasuhan ng robbery ang suspek. -- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.