Kasong graft ni dating MRT-3 GM Al Vitangcol, ibinasura ng Sandiganbayan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 10:54 PM

MAYNILA - Ibinasura ng Sandiganbayan 6th Division ang dalawang counts ng kasong graft ni dating Metro Rail Transit Line 3 general manager Al Vitangcol at kapwa akusadong si Wilson De Vera.

Kaugnay ito ng sabwatan umano nina Vitangcol at De Vera upang kikilan ng $30 milyon ang isang Czech company na nagsusuplay ng light rail vehicles at maintenance contract ng MRT-3 sa kaparehong kompanya.

Batay sa 20-pahinang desisyon ng anti-graft court, hindi sapat ang ebidensya para idiin sina Vitangcol at De Vera at hindi rin napatunayan ang kanilang sabwatan.

Mayo nang payagan ng korte ang mga akusadong maghain ng demurrer to evidence.

Taong 2017 naman nang magpasok ng not guilty plea si Vitangcol na nagsilbing general manager ng MRT noong termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.