Family-responsive workplace isinusulong ng employers' group

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 08:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Parehong nagtatrabaho si Richard Mamuyac at kaniyang misis pero kulang aniya ang oras nila para sa nag-iisang anak, na ngayo'y nasa elementarya na.

Napupunta naman ang halos lahat ng sahod ni Jet Nebris sa pamasahe at pagkain sa labas.

Gusto pa naman sana niya umanong makatulong sa magulang.

Maraming empleyado ang hirap balansehin ang responsibilidad sa trabaho at pamilya kaya isinusulong ng grupo ng mga employer ang pagkakaroon ng family-responsive workplace o kompanyang may pagpapahalaga sa pamilya.

Nagpa-survey sila para malaman kung ano-anong klaseng suporta ang gustong matanggap ng mga empleyado mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Lumabas din sa pag-aaral na maganda ang trabaho at mas produktibo ang mga empleyado kapag tinutugunan ng kompanya ang pangangailangan nila at kanilang pamilya, at nabibigyan sila ng oras na makapiling ang mga mahal sa buhay.

"Tingnan nilang mabuti 'yong work from home o telecommuting," ani Rene Gener, executive producer ng People Management Association Of The Philippines.

"Instead of working 5 days, 8 hours per day, magtatrabaho ka na lang 4 days o 3 days pero prolonged time," dagdag ni Gener.

Suportado ang panukala ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment at ilang employer, na nahikayat umaksiyon para maging family-responsive ang pinagtatrabahuhan ng mga empleyado. -- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.