2 Pakistani huli sa buy-bust sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 09:45 PM

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 2 Pakistani sa buy-bust operation sa Parañaque City, kung saan nakuha ang P350,000 halaga ng droga.

Kabilang sa mga suspek ang negosyanteng Pakistani at kasabwat niyang nagsilbing driver.

Katuwiran ng nahuling negosyante ay napag-utusan lang siyang mag-deliver ng mga produkto.

Pero nang suriin ng mga ahente ng NBI ay napag-alamang may nakatagong opium dito.

Sasampahan ng NBI ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.