Draft constitution ni Arroyo, umabot na sa plenaryo ng Kamara

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2018 07:15 PM

Umabot na sa plenaryo ng Kamara ang isang draft constitution na inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang iba pang mga mambabatas, na layong bigyang-daan ang pagbubuo ng pederal na gobyerno sa bansa.

Iba pa ang naturang draft constitution sa binalangkas na federal charter ng consultative committee ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, isa sa mga nagtutulak sa draft constitution kasama si Arroyo.

Sa ilalim ng panukala, mananatiling "presidential" ang porma ng gobyerno kung saan ang pangulo ang mamumuno sa ehekutibong sangay.

Binibigyan din ng panukala ng kapangyarihan ang Kongreso na gumawa ng mga federal state.

Mananatili rin ang Senado bilang kapulungan kung saan ang hinahalal ay mga senador "at large" o para kumatawan sa buong bansa sa halip na kumakatawan sa mga rehiyon.

Narito ang dokumento ng draft constitution na nakalathala sa website ng House of Representatives:

Card

Kabilang sa mga naghain sa panukala noong Setyembre sina Arroyo, House Majority Leader Rolando Andaya, at constitutional amendments committee chairperson Veloso.

--Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.