6 anyos na bata nanaksak ng binatilyo

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2018 09:40 AM

MANILA - Sugatan ang isang 17-anyos na lalaki matapos saksakin ng 6 na taong gulang na bata sa Valenzuela ngayong Linggo.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Jay-jay at ang lasing na tatay ng paslit na si alyas Val.

Hinampas ni Jay-jay ng kawayan ang nakatatandang lalaki at tumakbo, pero naabutan siya nito.

Dito na sinaksak ni Val si Jay-jay sa tiyan gamit ang isang kutsilyo.

Nagpapagaling pa sa ospital si Jayjay.

Dinala naman sa Valenzuela City Child Protection Center si Val para sa counseling at intervention.

Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.