Presyo ng produktong petrolyo, tatapyasan

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2017 05:24 PM

Matapos ang sunod-sunod na pag-angat sa presyo, tinatayang matatapyasan naman sa susunod na linggo ang halaga ng diesel, gasolina, at gaas.

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging bawas sa gasolina.

Nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro din ang matatapyas sa presyo ng diesel. 

Mas malaki naman ang bawas sa kerosene na aabot ng P0.80 hanggang P0.85 kada litro. 

Tinatayang bawas sa presyo sa susunod na linggo 

Gasolina – P0.50-P0.60/L
Diesel – P0.50-P0.60/L
Kerosene – P0.80-P0.85/L
    
Mula Enero 2017, halos P5 na ang nadagdag sa presyo ng diesel habang halos P4 naman sa gasolina.

Kabuuang dagdag-presyo mula Enero 2017

Diesel – P4.85/L
Gasolina – P3.89/L

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News