P5.6-M halaga ng 'marijuana' sa karton ng gatas nakuha sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2020 05:35 PM

SAN FERNANDO, Pampanga — Nasa 20 maliliit na bloke ng "hashish" o isang uri ng marijuana ang nasamsam dito noong Lunes.

Sa magkasamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya, nakuha ng mga awtoridad ang 20 pirasong brick ng hashish sa isinagawang buy-bust operation sa OG Road, Barangay Dolores sa lungsod na ito. 

Nakasilid ang mga droga sa isang karton ng gatas. 

Huli ang suspek na kinilalang si Roland Dela Rama, na mula umano sa Kalinga.

Tinatayang nasa 2,000 gramo ang bigat ng umano'y droga at hindi bababa sa P5.6 milyon ang street value nito. 

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuli. 


— Mula sa ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.