Nasa 30 ride-hailing service drivers, nag-protest caravan sa LTFRB laban sa OWTO

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2020 10:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasa 30 ride-hailing service drivers ang nagsagawa ng protest caravan mula Tomas Morato papuntang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City para magsampa ng reklamo laban sa kompanyang OWTO.

Gusto ng mga TNVS drivers na ipa-revoke ang accreditqation ng naturang kumpanya.

Ayon sa mga driver, pinapabiyahe sila ng kolorum at walang provisional authority.

Drive-to-own din ang mga sasakyan at kapag hindi nakabayad ay ipinapasa sa ibang drivers.

Isa pa sa kanilang inirereklamo ay ang kill switch system o nilalagyan ng OWTO ng device ang mga sasakyan nila para mapatay ng management ang mga sasakyan anytime.

Paliwanag umano sa kanila na ito ay safety device para makaiwas sa holdapan pero giit nila ginagamit ito para mapatay ng OWTO ang mga makina nila sa iba’t ibang rason.

Delikado umano ito lalo't may ibang pinatayan ng makina habang may sakay na mga pasahero.

Nakipag-ugnayan ang news team sa OWTO hinggil sa reklamo ng mga driver pero wala pang tugon ito.