3 estudyante sugatan sa pag-araro ng truck sa computer shop sa Ligao City

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2020 05:24 PM | Updated as of Oct 06 2020 05:48 PM

Retrato mula sa Ligao City Disaster Risk Reduction and Management Office

Kritikal ang lagay ng isang estudyante habang nagtamo ng minor injuries ang 2 iba pa matapos araruhin ng truck ang isang computer shop sa Barangay Tuburan, Ligao City, Albay nitong hapon ng Martes.

Sumalpok ang truck sa establisimyento matapos mawalan ng preno, ayon sa Ligao City pulis.

Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktima, na lumalahok sa online class kaya nasa computer shop.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

— Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.