Trak tumagilid sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 10:20 AM

MAYNILA -- Tumagilid ang isang Elf truck sa North Luzon Expressway nitong Linggo ng umaga.

Nagdulot ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa southbound lane ng NLEX sa bahagi ng Marilao, Bulacan ang tumagilid na trak.

Wala naman naiulat na nasaktan sa insidente ngunit hindi pa rin naaalis ang tumagilid na trak pasado alas-10 ng umaga.

-- ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.