Halos 90,000 trabaho puwedeng aplayan ngayong Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 04:40 PM | Updated as of Oct 06 2019 06:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Halos 90,000 trabaho ang maaaring subukang pasukin ng mga aplikante ngayong Oktubre.

Pinakamaraming bakanteng trabaho ay inaalok sa industriya ng business process outsourcing gaya ng customer service agent at technical service representative.

Malaki rin ang pangangailangan para sa mga financial advisor, human resource staff, at cashier.

Sa 90,000 trabaho, 20,000 ay mga trabaho sa goyerno habang 15,000 ay mga trabaho sa ibang bansa.

Kabilang sa mga overseas job na may mga bakante ay pagiging chef, therapist, dental technician, staff nurse, software engineer, welder, at fabricator.

Ayon kay Jobstreet country manager Philip Gioca, dadami pa ang mga trabaho sa merchandising, retail at sales ngayong "ber" months.

Sa darating na Oktubre 8 at 9, magkakaroon ng job fair ang Jobstreet katuwang ang ilang ahensiya ng gobyerno.

Idaraos ang nasabing fair mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa Megatrade Hall 3 sa SM Megamall, Mandaluyong.— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.