3 patay sa banggaan ng motorsiklo, AUV sa Camarines Norte

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 03:28 PM

Tatlong tao ang nasawi sa salpukan ng isang motorsiklo at kotse sa bayan ng Talisay, Camarines Norte nitong hatinggabi ng Linggo.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi bilang sina Bernard Palayahay, 22; John Oliver Oliva, 23; at Richard Acosta, 20.

Sakay ng motorsiklo ang 3 nasawi at papunta sana sila sa bayan ng Labo nang mabangga ng AUV na patungo namang Daet, ayon sa ulat ng pulisya.

Nangyari ang aksidente sa may National Road sa Barangay Poblacion, ayon sa pulisya.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at nawalan ng kontrol ang driver kaya nakain ang linya ng kasalubong na AUV.

Wala ring suot na helmet ang 3 sakay ng motorsiklo, sabi ng pulisya.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng AUV.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.