2 mangangalakal patay matapos mabangga ang tinutulugang kariton

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2019 09:27 AM | Updated as of Oct 06 2019 05:39 PM

MAYNILA -- Patay ang 2 mangangalakal matapos masagasaan ang kanilang tinutulugang kariton sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Natutulog umano ang 2 biktimang babae at lalaki sa kanilang kariton sa center island sa may Tandang Sora Avenue nang banggain ito ng isang SUV.

Kuwento ng ilang saksi, sumampa ang SUV sa center island at nabangga ang mga biktima. 

Nakaladkad pa umano ng mga 1 metro ang lalaking biktima na pumailalim pa sa sasakyan.

Hindi pa nakikilala ang mga biktima samantalang hawak na ng mga pulis ang drayber ng SUV na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

-- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.