'Nanlaban': 2 lalaki patay sa engkuwentro sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2018 05:06 AM

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki sa engkuwentro laban sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang isa sa mga namatay na si alyas Delpin na umano'y miyembro ng akyat-bahay gang.

Ayon kay Supt. Rosel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nakatanggap sila ng tawag ukol sa 4 na kahina-hinalang lalaki sa Austria St., Barangay Novaliches Proper.

Nang respondehan ng mga pulis ay agad silang pinaputukan ng mga lalaki na dahilan para gumanti ang mga awtoridad.

Dead on the spot ang 2 habang nakatakas naman ang 2 iba pa.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.