PatrolPH

#WalangPasok: Oktubre 6, 2022 dahil sa World Teachers' Day

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2022 06:24 PM

Naglabas ng executive order si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez para ideklara ang pagkansela ng klase sa lahat ng antas sa lahat ng pribado at pampublikong eskuwelahan sa lungsod sa Huwebes, Oktubre 6, 2022.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers' Day.

Sa kaniyang executive order, sinabi ng alkalde na dahil sa maraming mga aktibidad na inihanda sa buong araw para sa mga guro, maaari itong magdulot ng traffic congestion at pagsisiksikan sa iba't ibang mga lugar.

Ikinatuwa ito ng mga guro dahil makakapagpahinga anila sila matapos ang maraming mga aktibidad para sa kanila ngayong Miyerkoles.

— ulat ni Sharon Evite

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.