PatrolPH

Pananagutan sa pagguho sa QC construction site iniimbestigahan

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2022 04:01 PM

Pananagutan sa pagguho sa QC construction site iniimbestigahan

Iniimbestigahan ng Quezon City Police District kung sino ang dapat managot sa nangyaring pagguho sa construction site sa Barangay Balingasa, kung saan isa ang nasawi habang 10 ang nasugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumigay ang isang bakal na scaffolding noong Martes kaya nagkaroon ng domino effect, ani Corp. Myra Evangelista, ang pulis na may hawak ng kaso.

"Based sa victim na nasa [Quezon City General Hospital], naglagay sila ng bakal sa scaffolding, bumagsak 'yong isang bakal tapos domino effect," ani Evangelista.

Ayon din kay Evangelista, nakadepende ang kaso kung may isasampang reklamo ang mga manggagawang nasugatan o pamilya ng namatay.

"Walang complaint ang mga workers pati 'yong family noong namatay," aniya.

Ayon sa isa sa mga nasugatang manggagawa na si Renante Mandac, wala siyang balak magreklamo dahil nagamot naman siya agad at maayos na ang kaniyang kalagayan.

Sinusubukan ng ABS-CBN News na kuhanin ang panig ng pamilya ng nasawing manggagawa pero wala pa silang tugon.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.