Rights groups tinawag na 'shameless' ang planong pagtakbo ni Bongbong
MAYNILA - Idineklara na ni dating senador na si Bongbong Marcos, anak ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos, ang intensiyon niyang tumakbo sa pagkapangulo.
Bagay ito na inalmahan ng iba't ibang rights groups sa anila'y intensiyon nito na burahin sa kasaysayan ang mga karumaldumal na nangyari noong panahon ng Batas Militar, na pinamunuan ng kaniyang ama.
"That is why I am announcing here today my intention to run for the presidency of the Philippines in the coming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli," ani Marcos, ilang oras matapos pormal na buksan ang kaniyang campaign headquarters na nasa kahabaan ng EDSA.
Kahit nagdeklara na si Marcos ng kaniyang kandidatura, wala pa rin siyang pinapangalanan na running mate at mga senador na bubuo sa kaniyang lineup.
Tatakbo si Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas, kung saan nanunpa siya bilang miyembro ng chairman ng partido.
Binanggit naman ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo na ipapaubaya nila kay Marcos ang pagpili ng magiging katambal na bise presidente.
Noong 2020 pa rin aniya nila kinausap si Marcos para tumakbo sa pagkapangulo.
May mga kausap na rin umano silang mga political party para maging kaalyado at kasama rito ang Nacionalista Party.
Nauna na ring inendorso ng Kilusang Bagong Lipunan si Marcos sa pagkapangulo.
Naging senador si Marcos noong 2010 hanggang 2016 at naging congressman ng ika-2 distrito ng Ilocos Norte mula 1992 hanggang 1995, at naging gobernardor noong 1998.
Gobernador din siya noong 1983 pero naputol ang pamumuno niya nang mapatalsik ang pamilya niya mula sa Malacañang sa EDSA Revolution.
Samantala, nanawagan naman ang grupong 1SAMBAYAN na palagan ang "historical distortion" sa pagdeklara ni Marcos na kakampanya siya para sa pagkapangulo.
Hinimok nila ang kabataan na huwag malinlang sa anila'y kasinungalingan ng mga Marcos.
"We call on the youth of today, or those who were either too young to remember or weren’t even born yet, to resist this attempt to rewrite the pages of our storied past, especially the one where we fought hard to regain our democracy. Do not be deceived by paid internet trolls who peddle lies after lies, so that what happened during the Marcos era will not repeat itself at your time," sabi ng 1SAMBAYAN sa isang pahayag.
Ang grupong KARAPATAN, kinondena ang pag-anunsiyo ni Marcos na kakampanya siya, bagay na tinawag nilang "shameless" o "walang-hiya."
"Karapatan condemns in the strongest terms Bongbong Marcos' shameless announcement as we vow to vehemently oppose and frustrate any all efforts of the Marcoses to return to power clearly aided no less by the Duterte administration. They are remorselessly spitting on the thousands murdered, illegally arrested and detained, tortured, sexually violated, and forcibly disappeared under their family's tyrannical rule," anila sa pahayag.
Para naman sa grupon CARMMA, pagpapakita ito ng kawalan ng halaga sa mga libo-libong Pilipino na na-torture o kaya pinatay noong Batas Militar.
"Karapatan condemns in the strongest terms Bongbong Marcos' shameless announcement as we vow to vehemently oppose and frustrate any all efforts of the Marcoses to return to power clearly aided no less by the Duterte administration. They are remorselessly spitting on the thousands murdered, illegally arrested and detained, tortured, sexually violated, and forcibly disappeared under their family's tyrannical rule," anila sa isang pahayag.
-- May mga ulat ni Jacque Manabat at Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.