Mag-asawang Pinoy sumaklolo sa nasusunog na sasakyan sa California

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2020 11:40 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sumaklolo ang mag-asawang Pinoy sa 2 pasahero ng nasusunog na sasakyan sa San Pablo Dam Road sa California noong Biyernes.

Kuwento ng mag-asawang Elvis at Sue Ricafort, hindi sila nagdalawang-isip na bumaba sa sasakyan at tumulong na iligtas ang mga pasahero.

Kasama ang iba pang good samaritan, nailabas nila ang drayber ngunit hindi na nailigtas ang isang sakay matapos lumaki ang apoy.

Sa kasamaang-palad, nasawi rin ang drayber matapos dalhin sa ospital.

Napag-alaman nila na mag-ama ang namatay na kinilala na sina Gearry Terry Brown Jr., 37, at ama nitong si Gearry Sr., 70, ayon sa report ng NBC Bay Area.

Ayon sa mag-asawang Ricafort, napanood ng kamag-anak ng mga biktima ang nangyari at pinasalamatan sila sa ginawang kabutihan.

Nag-viral sa social media ang ginawang pagsaklolo na mayroon nang 1.7 milyon na views. - May ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN North America News Bureau

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.