P2-milyong halaga ng shabu nasabat sa QC; 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 06:32 PM

MANILA - Nasa P2 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng awtoridad sa isang anti-narcotics operation sa Regalado Street, Quezon City nitong Sabado.

Ayon sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 4 na suspek ang naaresto at nagpakilala na magkakamag-anak.

Matagal na minanmanan ng PDEA ang mga nahuli na umano'y nagbebenta ng ilegal na droga sa iba't ibang lugar sa lungsod, pati sa Bulacan.

Depensa ng mga suspek, ipina-deliver lang daw ang shabu sa kanila. 

Mga P10,000 umano ang ibinabayad sa mga suspek sa pagde-deliver, at dahil sa pangangailangan nila sa pera, ay kinagat nila ito.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.