Abogado tinangayan ng P200,000 halaga ng alahas

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 01:35 PM

Pinaghahanap ngayon ang mga salarin sa pagtangay ng alahas at salapi sa bahay ng isang abogado sa Bacolod City nitong Sabado.

Madaling araw nang looban ng mga kawatan ang bahay ng abogado, ayon kay Police Maj. Charles Gever, Station Commander ng Police Station 8.

Umakyat sa bakod at sinira ng mga salarin ang kandado ng bahay.

Natangay ng mga salarin ang P200,000 halaga ng alahas at P5,000 na salapi na nakatago sa isang kuwarto.

Inside job ang tinitingnang anggulo sa krimen dahil alam ng mga salarin kung saan nakalagay ang mga alahas.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.