PatrolPH

11 youth offenders tumakas sa reformation house sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2019 01:40 PM

CEBU CITY - Nasa 11 youth offenders ang tumakas sa isang reformation center sa Barangay Kalunasan, Cebu City nitong Biyernes.

Sa blotter report ng Guadalupe Police Station, sinasabing inatake umano ng mga tumakas ang ilang staff ng Operation Second Chance habang naghahain sila ng pagkain sa pasiidad.

Agad umano tumakas ang mga menor de edad at tumalon sa gate.

Tinutukoy na ngayon ng Cebu City Police Office ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na menor de edad.

Pinaghahanap na rin sila ng mga awtoridad.

Ayon sa Cebu City Police, posibleng dahil ito sa pagkukulang ng mga personnel na nagbabantay ng halos 200 kabataan sa pasilidad.

Iniimbestigahan na rin nila kung paano nakalabas ng pasilidad ang mga bata.

-- Ulat ni Donna Lavares, ABS CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.