Asawa ng pinaslang na mayor ng Sudipen, nanumpa na bilang bagong mayor

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2018 04:19 PM

SUDIPEN, La Union - Nanumpa na bilang alkalde ng bayan ng Sudipen si Vice Mayor Wendy Buquing nitong Biyernes.

Siya ang asawa ni Mayor Alexander Buquing na namatay sa pamamaril noong Lunes sa bayan ng Bangar.

Nakaligtas sa ambush si Vice Mayor Buquing matapos gawing panangga ni Mayor Buquing ang sarili sa mga bala.

Pumalit naman bilang bise-alkalde si Councilor Mandy Adviento. Siya ang nakakuha ng ikalawang pinakamaraming boto sa pagkakonsehal noong 2016.

Bago maging bise-alkalde, si Vice Mayor Buquing ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa pagkakonsehal. Nanumpa siya bilang bise-alkalde nang mamatay sa sakit ang noo'y bise-alkalde na si Edwin Belisoa.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.