TFC News

Ilang Pinoy, bumida sa art and expo sa Hong Kong

Jefferson Mendoza  | TFC News Hong Kong 

Posted at Oct 04 2022 02:58 PM | Updated as of Oct 08 2022 08:25 AM

Watch more News on iWantTFC

HONG KONG - Ibinida ng ilang Pinoy ang kani-kanilang obra at sining sa idinaos na Art and Culture Expo sa Hong Kong na ginanap nitong Setyembre 23 hanggang 25, 2022.  

Isa ang visual artist mula Baguio na si Gretta Apolinar sa mga lumahok sa Belt and Road National Art and Culture Expo sa Hong Kong. Ipinakita niya ang kanyang mga beaded collection at mga likhang gamit ang wire.   

We have this culture, we have so many resources. I would like the world to know Filipinos are very creative and we can create world class quality products of any kind,” sabi ni Gretta.   

Katuwang sa aktibidad ang Philippine Trade and Investment Center o PTIC at Philippine Consulate General sa Hong Kong. Tinawag itong 'Make it Happen in the Philippines' na naglalayong masilayan ng mga mamumuhunan mula Hong Kong, China at iba pang bansa ang galing ng Pinoy. Tinututukan ng kampanya ang sektor ng negosyong may kinalaman sa aerospace, automobile, tanso, information technology at electronics.  

Nandyan ang mga ugali at characteristics ng Pilipino. Ang mga Pilipino napaka innovative, skilfull sila at mabilis tayo mag-adjust sa mga pangangailangan ng ating employers at saka sympre as for the investment, maraming binigay ng mga insentibo ang gobyerno sa mga foreign investments kung mag-iinvest sa ating bansa,” sabi ni Vice Consul Commercial & Commercial Attaché Atty. Roberto B. Mabalot, Jr.  

Tinatayang dalawandaan at limampung kilalang art galleries at organizations ang lumahok. Kabilang na rito sina Ann Pendry a at Irene Haagen ng Kambal Gallery.   

Ang mahalaga sa amin yung ipakita natin yung kagandahan ng nature ng Pilipinas, tapos yung culture natin,” ani Irene. 

Para sa amin talagang maganda na makipag-ugnayan at saka makipagtulungan sa iba’t ibang bansa kasi dito tayo matututo,” ani Anna. 

Mapa-damit man, sining o paggawa ng mga alahas, pang-world class ang likhang Pinoy sa makabagong panahon.   

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.