PatrolPH

Kabaong binuhat sa gitna ng baha sa Zamboanga City dulot ng Bagyong Lannie

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2021 07:08 PM

Video mula kay Kram Louie

Zamboanga City — Tuloy pa rin ang libing sa isang namayapang residente kahit lagpas-tuhod ang tubig-baha sa Dona Martha drive, Barangay San Jose Gusu, sa lungsod na ito, nitong Lunes. 

Sa video na kuha ni Kram Louie, makikitang binubuhat ng ilang mga lalaki ang isang kabaong para mailabas ito papuntang kalsada. 

Tumaas ang tubig baha sa naturang barangay dahil sa walang tigil na buhos ng ulan simula madaling araw. 

Bukod sa Barangay San Jose Gusu, ilang mga bahay rin sa Barangay Ayala at Cawit ang binaha.

Pinag-iingat ng local government unit ang lahat ng mga residente na nakatira malapit sa ilog at dagat dahil sa masamang panahon dulot ng tropical depression na si Lannie.

—Ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.