COVID-19 cases sa PH higit 322,000 na

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2020 08:31 PM

Watch more in iWantTFC

Nasa 322,497 na ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,190 bagong kaso.

Sa ilalim ng lingguhang "Oplan Recovery," nakapagtala ang DOH ng 18,065 pasyenteng gumaling sa COVID-19 kaya umakyat sa 273,079 ang total recoveries.

Naiulat din ng DOH ang 100 bagong pagkamatay, dahilan para umabot sa 5,776 ang death toll sa bansa.

Dahil dito, 43,642 ang bilang ng active COVID-19 cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit.

Sa National Capital Region pa rin naiulat ang pinakamaraming bagong kaso, na nasa 1,279.

Nananatili naman sa 10,549 ang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na nahawahan ng COVID-19, sabi ngayong Linggo ng Department of Foreign Affairs.

Ito'y dahil walang naiulat na bagong kaso ang DFA ng Pinoy abraod na nagka-COVID-19.

Wala ring naiulat na bagong recovery o fatality ang ahensiya, kaya nananatili sa 6,750 ang gumaling at 793 ang namatay.

-- May ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.