PatrolPH

Higit 20 kilo ng pork products na walang dokumento sinunog sa Negros Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2019 04:36 PM | Updated as of Oct 04 2019 05:38 PM

Higit 20 kilo ng pork products na walang dokumento sinunog sa Negros Occidental 1
Sinunog ng pulisya at ng African Swine Fever Task Force ang higit sa 20 kilo ng nakumpiskang pork meat products na walang dokumento sa Silay City. Mitch Lipa, ABS-CBN News

Sinunog at inilibing sa compound ng Bacolod-Silay Airport ang mahigit 20 kilo ng produktong baboy mula Cebu.

Ang shipment ng pork products ay walang dokumento kaya naharang ng Provincial African Swine Fever Task Force, Huwebes ng gabi. Ang task force ay nakabantay sa mga pork products na ipinapasok sa probinsiya sa gitna ng mga kaso ng ASF sa ilang bahagi ng Luzon.

Isang pork meat distributor sa Cebu ang shipper at ang mga produkto ay para sana sa isang restaurant sa Bacolod.

Ayon kay Dr. Ryan Janoya ng quarantine team ng ASF Task Force, walang ban sa pork meat galing Cebu pero kinumpiska ang mga produkto dahil walang dokumento ang shipment.

Samantala, 8 kilo ng pork meat products ang pinabalik ng task force sa Maynila noong nakaraang Martes.

Nasa pangatlong linggo na ng 90-day ban sa lalawigan sa mga pork meat products mula sa Luzon. Ito’y isang paraan ng provincial government, batay sa rekomendasyon ng Provincial Veterinary Office, upang mabigyan ng proteksyon ang mahigit 51,000 na populasyon ng baboy sa probinsya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.