PatrolPH

Misis nanampal, nanuntok ng traffic enforcer na nanita ng ‘no parking’ violation

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2018 06:43 PM | Updated as of Oct 04 2018 10:30 PM

 

DAVAO CITY—Nakunan ng video ng isang netizen ang panununtok at pananampal ng isang babae sa traffic enforcer ng City Transport and Traffic Management Office, Miyerkoles ng hapon sa Guzman Street.

Sabi ng babae sa video, uminit ang kaniyang ulo nang hindi nadala sa pakiusap ang traffic enforcer na huwag na lamang itong mag-isyu ng citation ticket matapos silang mahuling nakaparada sa no parking area sa kalsada.

Ayon sa traffic enforcer na si Dexter Roa, umalalay lamang siya sa kaniyang kasamahan matapos magwala ang babae nang hingan ng driver's license ang kaniyang asawa na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Watch more on iWantTFC

Pero siya ang napagbuntunan ng galit ng babae

Dahil sa inasal ng babae, desidido ang traffic enforcer na kasuhan siya ng physical injury at direct assault.

Handa naman ang babae na harapin ang kaso, pero nagbanta rin siyang magsasampa ng reklamo laban sa traffic enforcer dahil sa abala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.