PatrolPH

Bangkay ng sanggol, nakuhang palutang-lutang sa ilog

Rona Nuñez, ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2018 09:56 AM

Bangkay ng sanggol, nakuhang palutang-lutang sa ilog 1
Nakabalot ng plastic ang bagong silang na sanggol nang matagpuang palutang-lutang sa ilog sa Paracale, Camarines Norte. Larawan mula sa Paracale Municipal Police Station

PARACALE, Camarines Norte – Isang bangkay ng sanggol na babae ang natagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Barangay Tugos, Miyerkoles ng umaga.

Nakabalot sa plastic bag ang pinaniniwalaang bagong silang na sanggol nang makita ng isang residente.

Agad na dinala ang sanggol sa barangay hall. Ipinaabot din sa awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.