2 lalaking nanlaban sa buy-bust, patay

Che Che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2018 08:55 AM

Nakabulagta ang isa sa mga suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad matapos ang buy-bust operation sa Davao City.

DAVAO CITY – Patay ang 2 lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Purok 5, Barangay 37-D sa lungsod na ito, Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang mga napatay na suspek bilang sina Antonio Ledesma at isang alyas Payat.

Nadala pa sa pagamutan ang mga suspek pero ideneklara na silang dead on arrival.

Biglang bumunot ng baril ang mga suspek nang matunugang pulis ang kanilang katransaksiyon pero naunahan sila ng mga operatiba.

Isang sachet ng hinihinalang shabu ang nabili mula sa mga suspek sa halagang P500. Bukod sa mga baril, narekober din mula sa kanila ang 8 sachet ng shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.