Volunteer security worker, patay sa pamamaril

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2016 09:26 AM

MANILA - Hindi lubos maisip ni Cherrylyn kung ano ang dahilan ng pagpatay sa kanyang mister na si Albert Franco, 36 anyos at volunteer security worker sa Barangay 105 sa Maynila.

Pauwi na raw siya mula sa naudlot na duty nang barilin siya ng hindi pa kilalang suspek bandang 10:30 p.m. sa Road 10.

Walang testigo sa nangyari, pero hinala ng pulisya, maaaring may kinalaman ang krimen sa kanyang trabaho bilang volunteer.

Isang basyo ng bala mula sa caliber .45 ang natagpuan sa crime scene. Walang anak sina Cherrylyn at Albert pero hiling na lang niya na matigil na ang ganitong patayan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.