PatrolPH

Higit P122-M halaga ng umano'y shabu nasabat sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2022 11:27 PM

Kuha ni Benjie Talisic/Superbalita Cebu
Kuha ni Benjie Talisic/Superbalita Cebu

Nasamsam ng pulisya ang nasa 18 kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Busay, Cebu City, Lunes ng hapon.

May halaga umano itong P122.4 million, base sa Dangerous Drugs Board.

Ayon sa Police Drug Enforcement Unit-Central Visayas, tumakbo ang suspek matapos matimbre na pulis ang katransaksiyon niya, kaya siya nakatakas.

Patuloy ang hot pursuit operation sa suspek, na isang high-value target para sa pulisya.

Gagamitin din sa imbestigasyon ang naiwang sasakyan upang matunton ang iba pang kasabwat sa pagbebenta ng ilegal na droga.—Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.