'Most wanted personality' sa Masambong, QC timbog

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2020 03:56 AM

MAYNILA - Nahuli ng mga awtoridad ang top 3 most wanted personality ng Masambong Police Station sa Quezon City nitong Biyernes.

Ayon kay Police Lt. Col. Riche Claravall, hepe ng Masambong Police Station, naaresto ang suspek na si Jerry Cabatingan, 49, sa isang fastfood chain sa EDSA-Muñoz matapos siya hainan ng warrant of arrest.

Nahaharap sa kasong murder si Cabatingan.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.