Ilang bahay at shop sumiklab sa Sta. Rosa, Laguna

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2020 06:06 AM

MAYNILA - Malaking apoy ang gumising sa mga residente sa Barangay Pooc sa Sta. Rosa, Laguna ala 1 ng madaling araw ng Sabado.

Ayon sa ilang mga residente sa lugar, biglaan na lang nilang nakita na sumiklab ang apoy at nasunog ang ilang mga bahay at tindahan sa Rizal Boulevard.

Kabilang sa mga apektadong shop ay isang upholstery shop at milk tea shop.

Ayon sa Sta. Rosa Fire Station, umabot na ika-2 alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas 3 y medya ng umaga. Inaalam pa nila ang sanhi ng sunog at kung ilan lahat na mga bahay at establisimiyento ang nadamay.

Ayon naman kay Niño Lu, city disaster chief, wala nang naiulat na nasugatan o namatay sa pangyayari.

Tutulong din sila sa pag-iimbestiga sa nangyaring sunog habang tinutulungan ang mga nawalan ng tirahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.