Higit 600 dinampot sa Parañaque dahil sa droga, paglabag ng ordinansa

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 07:04 AM

MAYNILA—Dinampot ng mga pulis ang higit 600 katao sa one-time big-time operation ng Parañaque City police sa magdamag.

Timbog ang 19 dahil sa droga, 23 dahil sa pagsusugal at 11 ang nahulihan ng baril.

Karamihan sa mga dinampot ay mga lumabag sa city ordinance. Nasa 164 ang nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar habang 96 ang nahuling umiinom.

Pinakamaraming nahuli ay dahil sa checkpoint na nasa 286.

Iprinisenta ng Parañaque City police ang mga nahuli at nakumpiskang ebidensiya. 

Personal na ininspeksiyon ni Metro Manila police chief Guillermo Eleazar ang resulta ng ginawang one-time big-time operation ng Paranaque City police.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.