11 bodega ng imported products sa Bulacan ipinasara

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 12:09 PM | Updated as of Oct 03 2019 04:52 PM

MAYNILA (UPDATE) — Labingisang warehouse sa Guiguinto, Bulacan na naglalaman ng mga produktong inangkat mula sa mga karatig-bansa ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Huwebes.

Nakarehistro ang mga warehouse para sa logistics at services pero ibang negosyo ang pinatatakbo at mga produkto ang nilalaman, dahilan para magpalabas ng closure order ang BIR, ayon kay Arnel Guballa, deputy commissioner ng ahensiya. 

Kabilang sa mga produktong nakuha ng BIR sa mga warehouse ang sako-sakong bigas, powdered milk at tsokolate mula China, Myanmar, at Vietnam.

Mayroon ding mga produkto na ibinebenta gamit ang online shopping apps.

Titingnan din umano ng BIR ang importation documents ng mga produkto para matukoy kung smuggled ang mga ito.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.