Bahagi ng isang mall sa Pampanga binaha

ABS-CBN News

Posted at Oct 03 2019 09:04 PM | Updated as of Oct 03 2019 11:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Binaha ang bahagi ng isang mall sa San Fernando, Pampanga dahil sa malakas na buhos ng ulan Huwebes.

Sa mga videong kuha ni John Ashley Salazar Lising, makikita ang pagbagsak ng tubig mula sa kisame ng isang restaurant sa loob ng SM Pampanga.

 

Sa kuha naman ni Jansen Mariano, makikita ang mga taong pinalabas mula sa isang kainan dahil rin sa pagtaas ng tubig sa loob nito.

 

Ayon sa pamunuan ng SM Pampanga, nasira ang bahagi ng mall dahil sa malakas na ulan.

Kinordonan na rin umano nila ang naturang bahagi ng gusali at sisimulan ang pag-aayos nito sa oras na gumanda ang panahon.

Wala naman umanong nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.