PatrolPH

MMDA personnel huli sa umano'y panghahalay sa nakababatang pinsan

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2022 01:13 PM

Watch more News on iWantTFC

Naaresto nitong Sabado ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa umano'y panghahalay sa kaniyang nakababatang pinsan.

Ayon sa Manila police, nakatira ang 26 anyos na suspek at 12 taong gulang na biktima sa iisang compound sa Pandacan, Maynila.

Base sa mga text message sa pagitan ng dalawa, Hulyo nitong taon nang magpasundo mula sa kaniyang bahay ang biktima papunta sa tinitirhan ng suspek.

Pagdating sa bahay ng suspek, pinainom niya ng alak ang biktima at nang malasing ay ginahasa niya ito, ayon kay Maj. Manolito Flores.

Setyembre 23 nang maglabas ng arrest warrant ang korte laban sa suspek para sa kasong statutory rape.

Hinuli siya habang naka-duty sa field office ng MMDA sa Taguig.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.