PatrolPH

Taguig may libreng online tutorial services para sa distance learning

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2020 02:47 PM

MAYNILA - May libreng online tutorial services ang mga estudyante sa Taguig ngayong magpapatupad ng distance learning habang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa programang "Tele-aral" maglalaan ng 15 phone lines na maaaring tawagan ng mga estudyante para magtanong tungkol sa mga aralin.

Pinasinayaan tanghali ng Biyernes ang "Tele-aral Center" ng Taguig sa Senator Rene Cayetano Science and Technology High School na siyang gagamitin para sa kanilang online tutorial services.

May 50 desktop computers din na naka-install at may mga communication applications at headsets.

Mamanduhan ito ng mga guro na nauna nang sumailalim sa training ng lungsod para sa pagiging online teacher.

Magkakaroon din ng call center supervisor at 20 pang karagdagang substitute at support staff para tiyakin ang maayos na operasyon.

Bumuo rin ang Taguig ng sariling curriculum at module sa tulong ng mga espesyalista na kinabibilangan ng mga regional director at superintendent ng Department of Education, at manpower mula sa local at international schools sa lungsod para tiyakin ang mataas na kalidad ng kanilang academic content.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.