5 timbog sa magkakahiwalay na buy-bust sa Caloocan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2020 06:01 AM

MAYNILA - Sa kulungan ang bagsak ng 3 lalaki at 2 babae sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City nitong Huwebes.

Ayon sa Caloocan City Police, unang nasakote sa operasyon sa Brgy. 8 ang dalawang lalaki at dalawang babae na nakuhanan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Sa anti-drug operation naman sa Brgy. 18, nasakote ang isa pa na nasa drug watchlist ng Caloocan City Police.

Nakumpiska sa kanya ang nasa P68,000 na halaga ng ilegal na droga.

Mahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuli.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.