Styro sumabit sa kawad ng kuryente ng MRT

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2019 01:03 PM

MAYNILA — Isang styrofoam ang namataang nakasabit sa isang kawad ng kuryente ng MRT nitong Miyerkoles ng umaga, ayon sa pamunuan ng naturang linya.

Ayon sa MRT command center, bandang 9:48 ng umaga ay nakita ang nakalambitin na styro sa may Ortigas station.

Sa ngayon ay ginagawan na ng paraan para maalis ang sumabit na styrofoam.

Hindi naman umano ito nakaapekto sa operasyon ng tren.

Hiwalay pa ito sa isang aberya ng MRT kung saan tumigil ang northbound train sa pagitan ng Magallanes at Ayala stations at pinalakad ang mga pasahero sa riles lagpas alas-10 ng umaga.

Power supply problem ang sinisisi ng MRT sa pagtirik pero patuloy pa umano ang kanilang pag-iimbestiga.


—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.